^

Police Metro

Adbokasiya ni FPJ, pet bill ni Sen. Grace

Pang-masa
Adbokasiya ni FPJ, pet bill ni Sen. Grace
Senador Grace Poe

MANILA, Philippines — Ang iniakda ni Senador Grace Poe na “First 1000 Days” na magpapa­lakas sa nutrisyon sa lahat ng bata sa unang 1,000 araw ng kanilang buhay na naging batas kamakailan ay naging adbokasiya ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr., (FPJ) noong ito ay nabubuhay pa.

 

Kaya’t iniaalay ni Sen. Poe ang kanyang  pet bill na tinawag ding Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, ang Republic Act 11148 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Nobyembre 29.

Dito ay inaatasan ang pamahalaan na gawing prayoridad ang nutrisyon ng mga buntis at nagpapasusong mga ina, lahat ng sanggol at mga bata.

Idiniin ni Poe na sa RA 11148 ay mapagkakalooban ng wastong pag-aaruga ng ina ang lahat ng sanggol sa ating bansa sa ilalim ng child health care program upang mahadla­ngan ang pagkabansot at malnutrisyon ng mga bata.    

Buong pagkakaisang inaprubahan ng Senado ang Senate Bill 1537 na kilalang “Healthy Nanay and Bulilit Act” noong nakaraang Marso, samantalang ipinasa ito ng Kamara ng mga Representante noong Setyembre 2017.

Kinakailangan ng gobyerno ang P17 bilyon upang maipatupad ang 1,000 Days Program na magliligtas sa tinatayang 2.7 milyong buntis upang mabakunahan laban sa mga sakit na tetanus at diphtheria.

Pinalakas din ng ba­gong batas ang pagpapatupad sa Executive Order 51 o ang “Milk Code” at ang Republic Act 10028 o ang “Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009” na nagtataguyod sa optimal infant and young child feeding and maternity protection.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with