^

Police Metro

Mag-asawa, 1 pa arestado sa shabu

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang mag-asawa na sinasabing ‘tulak’ ng droga matapos masakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 250 gramo at nagkakaha­laga ng nasa P1.7-milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Rosary Heights 3, Pigcawayan, North Cotabato, kamakalawa ng umaga.

 

Ang mag-asawang suspek ay kinilalang sina Basir Tanguan Tantong, alyas “Tapilak”, 42, at misis nitong si Vilma Pikit Tantong, 38, pawang taga-Brgy. Kadingilan, ng natu­rang bayan.

Kasama ring naaresto sa operasyon ang kasamahan nila na kinilalang si Alma Paglas Akmad, 28, taga-Cotabato City.

Ayon sa pulisya, noong nakaraang buwan pa nila minamanmanan ang mag-asawa dahil sa natanggap na ulat kaugnay ng kanilang ilegal na gawain.

Nakumpiska mula sa tatlo ang 5 medium size sachets ng shabu na may bigat na 250 grams at nagkakahalaga ng P1.7-milyon.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with