^

Police Metro

Hiling ni Jinggoy na magpasko sa HK, kinontra ng prosekusyon

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Philippines is more fun” kaysa sa ibang mga bansa dahil sa makukulay na pagdiriwang na ginagawa na kahit ng mga nakaraang henerasyon.

Ito ang naging payo ng prosekusyon kay da­ting senador Jinggoy Estrada nang maghain sila ng opposition letter sa Sandiganbayan 5th Division dahil sa hiling ng una na makapagdiwang ng Pasko sa Hong Kong.

Sa inihaing opposition letter ng opposition sa pangunguna ni Deputy Special Prosecutor Cornelio Somido, sinabi niya na hindi dapat payagan ng Anti-Graft court si Estrada na magtungo sa naturang bansa mula Dis­yembre 26 hanggang Disyembre 31,2018.

Giit ni Somido, walang mahigpit na panganga­ila­ngan para magtungo sa Hong Kong ni Estrada at ang layon lang naman ng pag-alis nito ay para magkaroon ng family bonding at magdiwang ng Christmas.

Pinuna naman ng pro­­sekusyon ang inihaing mos­yon ni Estrada kung saan nakasaad  ang confirmed hotel bookings, subalit hindi naman kumpleto ang itinerary nito at walang numero ng telepono kung saan siya maaring makontak.

vuukle comment

JINGGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with