^

Police Metro

Pet bill ni Sen. Poe, inialay kay FPJ

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Senador Grace Poe sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe, Jr (FPJ) na naging adbokasiya rin noong nabubuhay pa ang iniakda niyang First 1000 Days na magpapalakas sa nutrisyon ng lahat ng bata sa unang 1,000 araw ng kanilang buhay.

“Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa pag-alaala ng pagpanaw ni FPJ. Parangalan natin ang kanyang naging buhay sa pagpapa­tuloy ng pagtulong sa kapwa, lalung-lalo na sa nanganga­ilangan nang walang hinihintay na kapalit,” ani Poe sa harap ng puntod ng kanyang ama.

Tinawag ding Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, ang Republic Act 11148 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Nobyembre 29.

Idiniin ni Poe na sa RA 11148 ay mapagkaka­looban ng wastong pag-aaruga ng ina ang lahat ng sanggol sa ating bansa sa ilalim ng child health care program upang mahadla­ngan ang pagkabansot at malnutrisyon ng mga bata.

 “Iniaalay ko sa alaala ng aking amang si FPJ ang pet bill kong ito na ina­atasan ang pamahalaan na gawing prayoridad ang nutrisyon ng mga buntis at nagpapasusong mga ina, lahat ng sanggol at mga bata,” sabi ni Poe.

Kinakailangan ng gob­yerno ang P17 bilyon upang maipatupad ang 1,000 Days Program na magliligtas sa tinatayang 2.7 milyong buntis upang mabakunahan laban sa mga sakit na tetanus at diphtheria.

Pinalakas ng bagong batas ang pagpapatupad sa Executive Order 51 o ang “Milk Code” at ang Republic Act 10028 o ang “Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009” na nagtataguyod sa optimal infant and young child feeding and maternity protection.

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with