^

Police Metro

Bangkay ng lalaki sa garbage bag

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang nakasilid sa garbage bag kahapon ng umaga sa Quezon City.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na may mga tama ng saksak sa dibdib at kili-kili na nasa edad 45, may taas na 5’4”, katamtaman ang laki ng katawan, ay may tattoo sa dibdib na ‘Boyong Reyes’, ‘Sampaga Baby’ sa likod at “Commando” sa kanang hita.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Haciento St., kanto ng C.P. Garcia St., sa Brgy. UP Campus, Quezon City.

Sa salaysay sa pulisya ng guwardiya ng UP Campus na si Ruel Flores, dakong alas-7:30 ng gabi ng Miyerkules ay nagpapatrulya siya sa lugar nang may mamataang sasakyan na pumarada roon.

Nang umalis ang sasakyan ay may nakita siyang itim na garbage bag na itinapon na hindi pinansin sa pag-aakalang bangkay ng aso ang laman nito.

Kinaumagahan nang mag-ikot muli si Flores ay naroroon pa rin ang garbage bag, kaya’t tinawag ang taga-kolekta ng basura na si alyas ‘Ngongo’ upang tanggalin at nang bulatlatin ang laman ay nadiskubreng bangkay ng tao ang laman kaya’t agad na iniulat sa mga pulis.

vuukle comment

SALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with