49 katao kinasuhan ng PDEA sa ipinuslit na P11-B shabu
MANILA, Philippines — Sinampahan kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kasong kriminal at graft sa Department of Justice ang 49 katao na umano ay sangkot sa shipment ng P11-billion halaga ng shabu noong nakalipas na Agosto.
Ilan sa mga kinasuhan sa Department of Justice ay sina dating PDEA Deputy Director General Ismael Fajardo; Ex-Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group officer in charge Eduardo Acierto; Customs intelligence officer Jimmy Guban;Lito Pirote;Gorgonio Necessario; Joseph Dimayuga; Emily Daprosa Luquingan; at Myra Tan
Ang mga respondents ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, the Revised Penal Code, at Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na isinampa ni PDEA Director General Aaron Aquino.
Ayon kay PDEA Director for Legal and Prosecution Services Czareanah Aquino na si Guban ay itinuturing nilang primary respondent at hindi inirerekomenda ng PDEA na alisin ito bilang state witness,
Hindi naman sinampahan ng kasong kriminal si dating Customs chief Isidro Lapeña dahil sa kakulangan ng ebidensiya para ito ay madiin.
Ibinigay na nila ang kopya ng reklamo sa Presidential Anti-Crime Commission upang tingnan kung maaaring kasuhan si Lapeña ng administrative case.
Ang kaso ay isinampa ilang buwan matapos makitaan ang 4 magnetic lifters na may bakas ng shabu sa isang bodega sa GMA, Cavite.
- Latest