^

Police Metro

Police applicant dinedo ng NPA rebels

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang police applicant na si Anthony Gestiada ang pinagbabaril at napatay ng mga armadong salarin na pinaghihinalaang mi­yembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na pumasok sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Domingo, Irosin, Sorsogon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa Sitio Bala­ding, Brgy. Sto. Domingo, Irosin ay kasalukuyang nasa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay ang biktima nang duma­ting ang mga armadong suspek na lulan ng kulay puting van na walang plaka.

Agad na pumasok sa nakabukas na pintuan ng bahay at tinanong ng mga suspek ang biktima kung naga-apply ito sa pagkapulis.

Nang sumagot ang biktima na siya ay aplikante sa pagkapulis dahil nais niyang makatulong sa pagsupil sa kriminalidad para sa ikasusulong ng peace and order sa kanilang lugar ay agad siyang pinagbabaril.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with