^

Police Metro

Grade 10 student timbog sa paghithit ng marijuana sa school

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Grade 10 student timbog sa paghithit ng marijuana sa school
Ayon kay Peña, dakong alas-7:00 ng gabi ay nag­lalakad nang makaamoy ng usok ng marijuana na magmumula sa loob ng comfort room.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isang grade 10 student ang inaresto matapos mahuli sa aktong humihithit ng marijuana sa loob ng banyo nang pinapasukang eskwelahan, kamakalawa ng gabi sa Legarda St., Sampaloc, Maynila.

Ang suspek na itinago sa pangalang Jude ay dinakip ng guro na si Mark John Peña.

Ayon kay Peña, dakong alas-7:00 ng gabi ay nag­lalakad nang makaamoy ng usok ng marijuana na magmumula sa loob ng comfort room.

Pinasok ni Peña ang banyo at nang matapat sa pinto ay eksaktong lumalabas ang suspek at kinausap niya ito at napansin ang isang maliit na glass tube pipe na may marijuana kaya’t dinala niya ito sa security na siya namang nag-turnover sa pulisya.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 kilala bilang Comprehensive Drug Act of 2002 ang binatilyo.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with