^

Police Metro

DOJ-Trillanes ‘di agad makakapag-abroad

Doris Franche-Borja - Pang-masa
DOJ-Trillanes �di agad makakapag-abroad
Dahil may kasong kriminal din syang kinakaharap sa Davao RTC Branch 54, kailangan pa rin niyang hilingin sa hukom na payagan siyang makabiyahe abroad.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Kailangang maghain muna ng mosyon sa Davao Regional Trial Court si Senador Antonio Trillanes IV para makalabas ng bansa.

Ito ang sinabi ng Deparment of Justice at walang garantiya  ang pagpipiyansa ni Trillanes  ng 4 na bilang ng kasong libelo sa Davao RTC para matuloy ang kanyang biyahe sa ibang bansa bukas.

Tulad ng ginawa ni Trillanes sa Makati RTC Branch 150, kailangan niya ring maghain ng mosyon sa Davao RTC para magpaalam na bibiyahe siya sa ibang bansa.

Sa Makati RTC Branch 150, nakapagpiyansa si Trillanes para sa kasong rebelyon at naghain din siya ng mosyon para magpaalam na makabiyahe sa Europa at Amerika.

Dahil may kasong kriminal din syang kinakaharap sa Davao RTC Branch 54, kailangan pa rin niyang hilingin sa hukom na payagan siyang makabiyahe abroad.

Sa oras na maghain ng mosyon para makabyahe sa ibang bansa si Trillanes ay nakatakda rin nilang igiit sa korte ang pagiging “travel risk” ng senador dahil sa mga kasong kinakaharap nito sa iba’t ibang korte sa bansa.

Si Trillanes ay nakatakdang bumiyahe bukas hanggang January 12, 2019 at mula January 27 hanggang February 10, 2019.

Para sa kanyang pag-alis sa Disyembre, dadalo ang senador sa mga aktibidad sa Amsterdam, Barcelona at London.

Sa kanya namang pag-alis sa Enero, makiki­ pagpulong ang senador sa mga opisyal ng ibat ibang grupo at institusyon sa California,Washington at Maryland sa Estados Unidos.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with