^

Police Metro

Karambola sa Laguna: 6 patay, 14 sugatan

Mer Layson - Pang-masa
Karambola sa Laguna: 6 patay, 14 sugatan
Inararo muna ng isang 14-wheeler truck na may kargang mga bakal ang 19 sasakyan bago nasuwag ang isang bakery na nasa tabi ng highway na ikinasawi ng isang ina at dalawa nitong anak at tatlong iba pa naganap kahapon sa kahabaan ng Sitio Kawad, Brgy. Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.
Joven Cagande

Trak inararo ang 19 sasakyan at bakery...


MANILA, Philippines — Anim katao ang nasawi kabilang ang dalawang paslit habang 14 ang nasugatan matapos na banggain ang 15 sasakyan, 2 tricycle at 2 motorsiklo bago sumalpok sa bakery na nasa highway naganap kamakalawa ng gabi sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sa ulat ni Laguna police director Sr. Supt. ­Eleazar Mata, kinilala ang mga nasawi na sina Lorelyn Rosel Sumadsad, mag kapatid na sina Jerome 27 at Jayson Baluya 25, Quelah Ayesha Velasco, 1-anyos; Juvelyn Floresco Delizo 21 at anak na si Ariane Kaye Yllera, 2.

Habang nasugatan ang 14 na iba pa at dinala at ginagamot sa mga ospital.

Sa imbestigasyon ni PO3 Daniel Bahiwag, bago nangyari ang aksidente dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng Sta. Rosa-Tagaytay Road, Barangay Sto. Domingo ay nawalan ng preno ang isang 14-wheeler truck na minamaneho ni Anthony Bernardo, ng Dasmariñas, Cavite at may kargang mga bakal at dahil sa pababa ang kalsada ay nasapol ang mga sasakyan.

“Napakabilis ng truck at nagkataon na mabagal ang daloy ng trapiko dahil naglalabasan ang mga tao mula sa Nuvali”, wika ni Bahiwag. Nang mabangga ang 19 sasakyan ay nasalpok naman nito ang bakery na nasa tabi ng highway at iba pang establisyimento.

Ayon sa pulisya na ang mga nasawi ay natutulog sa bakery at mga nagla­lakad sa kalsada.

Tumakas naman ang driver ng truck matapos ang insidente. Umabot ng mahigit anim na oras bago naalis ang mga nasalpok na sasakyan at ang trak. - Cristina Timbang

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with