^

Police Metro

Obrero itinumba ng 2 lalaki

Mer Layson - Pang-masa
Obrero itinumba ng 2 lalaki
Kinilala ang biktima na si Winnie Tan Arellano, nakatira No. 30-B Katangian St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
File

MANILA, Philippines — Isang 42-anyos na construction worker ang nasawi nang ito ay pagbabarilin sa harap ng ginagawang gusali ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Winnie Tan Arellano, nakatira No. 30-B Katangian St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen, dakong alas-7:00 ng gabi sa harap ng pinagtatrabahuhang under renovation na bahay sa No. 19 Katangian St., ng nabanggit na barangay ay abala sa paghuhugas ang kasama ng biktima ng paint roller brush sa loob ng kusina nang makarinig nang sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas ng bahay.

Nang lumabas ito ay ay nakita ang duguang biktima na nakabulagta sa semento habang nakita niya ang dalawang lalaki na papalayo sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at sino ang mga suspek.

vuukle comment

WINNIE TAN ARELLANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with