^

Police Metro

Utol dinedbol ng kuya dahil sa pera

Jorge Hallare - Pang-masa
Utol dinedbol ng kuya dahil sa pera
Ayon sa pahayag ng ilang saksi sa pulisya, dakong alas-2:30 ng hapon ay sinugod ni Oriel ang nakababatang kapatid sa bahay at kinompronta sa hindi tama umanong hatian ng kanilang kinita sa pagmimina.
File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 31-anyos na minero matapos barilin sa ulo ng nakatatandang kapatid makaraan ang mainitang pagtatalo tungkol sa pera sa loob ng kanilang bahay sa Aroroy, Masbate kamakalawa ng hapon.

Sabog ang ulo at namatay noon din ang biktimang si Leo Mingoy Torres, ng nasabing barangay. Habang agad naaresto ang kuya na si Oriel Mingoy Torres, 38, minero na sinampahan ng kasong parricide.

Ayon sa pahayag ng ilang saksi sa pulisya, dakong alas-2:30 ng hapon ay sinugod ni Oriel ang nakababatang kapatid sa bahay at kinompronta sa hindi tama umanong hatian ng kanilang kinita sa pagmimina.

Sa gitna nang pagtatalo ay biglang bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril si Oriel at  malapitang pinutukan sa ulo ang biktima na agad bumulagta at nasawi.

Tumakas ang suspek, subalit ilang minuto ang nakakalipas ay agad itong naaresto ng mga pulis.

vuukle comment

LEO MINGOY TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with