^

Police Metro

Sekyu tigok sa buy-bust

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 56-anyos na security guard matapos makipagpalitan ng putok sa mga otoridad makaraang masakote sa sideline nitong pagtutulak ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Pamorangon sa bayan ng Daet, Camarines Norte, noong Biyernes ng madaling araw.

 

Hindi na umabot pang buhay ang napatay na suspek na si Rodrigo Huerta Copino, residente ng Purok-4 sa nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw nang ikasa ng mga pulis ang operasyon laban sa suspek.

Gayunman, nakahalata si Copino na pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinutukan ang pulis na tumayong kliyente. Agad namang gumanti ng putok ang mga nakatagong mga operatiba dahilan para duguang bumulagta ang suspek at isinugod sa ospital pero dineklarang patay.

Ligtas naman ang pulis na poseur buyer dahil sa suot na bullet proof vest.

Nakuha sa suspek ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money at ang kalibre .38 baril na posibleng service firearm nito bilang guwardiya.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with