^

Police Metro

2 ‘pusher’ tiklo sa P3 milyon shabu

Lordeth Bonilla - Pang-masa
2 �pusher� tiklo sa P3 milyon shabu
Nagtatakip ng kanilang mukha ang dalawang suspek na ito matapos silang masakote sa buy-bust operation ng mga otoridad sa Taguig City, kamakalawa ng gabi. Nasa higit P3-milyong halaga ng droga ang nakumpiska mula sa mga ito.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang dalawang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng shabu habang nasa higit P3-milyong halaga ng droga ang nakumpiska mula sa mga ito sa isinagawang drug operation ng mga otoridad sa Taguig City, Biyernes ng gabi.

 

Himas-rehas na ngayon ang mga suspek na sina Jayson Esguerra at Rodolfo Dejos, kapwa nasa hustong gulang at pawang taga-Brgy. Manuel ng naturang lungsod.

Ayon sa tanggapan ni NCRPO Director Guillermo Eleazar, Biyernes ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan kontra sa mga suspek sa nabanggit na barangay.

Isang pulis ang tumayong buyer at nang magpositibo ay dito na agad inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska mula kina Dejos at Esguerra ang mahigit sa kalahating kilong shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P3-milyon na nakalagay sa anim na plastic bag, 150 pirasong anti-depressed drugs, marked money na halagang P1,000.00 at boodle money.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with