^

Police Metro

PCOO iniikot ang mga press club

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang pag-iikot ng Presidential Communications Operation Office sa buong bansa para sa kanilang mini caravan para makausap ang  iba’t ibang mga press clubs.

 

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na unang napuntahan ng  kanilang  grupo ang Cagayan de Oro, Cebu at mga media organizations sa Metro Manila.

Ayon kay Andanar, layon ng nasabing caravan na maiparating ang mga kampanya tulad ng paglaban sa disinformation at mamigay na rin ng mga media handbook for personal security na handog ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS.

Kinumpirma rin ni Andanar na kasama na rin sa kanilang caravan ang information campaign hinggil sa Pederalismo na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang bilang communication agency ng pamahalaan, sinabi ni Andanar na isa sa mga tinututukan ng PCOO katuwang ang binuong PTFoMS ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa na siya ring isa sa mga nangunang kautusan ni Pangulong Duterte nang magsimula ito sa pagkapangulo.

vuukle comment

MARTIN ANDANAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with