^

Police Metro

PWDs sasabak na sa trabaho

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung dati ay mga normal na tao lamang ang tinatanggap sa trabaho, hindi na ngayon. Dahil maging ang mga persons with disabilities o PWDs ay maaari nang magtrabaho.

 

Binuksan noong Miyerkules, Disyembre 5, ng Department of Labor and Employment sa mga PWDs ang mga bakanteng trabaho sa industriya ng BPO, electronics, advertising, hotel, health and wellness, travel, media, logistics, manpower and security services, sales, property management, pharmaceutical, at memorial services.

Ayon sa DOLE, nais nilang mahikayat ang mga employer sa pribadong sektor na maglaan ng isang porsiyento ng kanilang workforce para sa mga person with disability.

Nagtatakda ang Republic Act 10524 sa mga ahensya ng pamahalaan na tumanggap ng mga person with disability na may kabuuang isang porsiyento ng kanilang mga empleyado, kasabay na rin ng pagbibigay ng pagganyak sa mga pribadong kumpanya na nag-eempleyo ng higit sa 100 manggagawa na disadvantage persons sa kanilang hanay.

Sa panayam kay Milagros Salting, 25, 10-an­yos pa lamang siya nang magsimulang gumamit ng hearing aide. Para kay Milagros, malaking oportunidad ito sa katulad niyang may kapansanan. Sakaling matanggap sa trabaho malaking tulong ito sa kanyang pamilya na naninirahan nang payak.

Itinuturing naman ni Alex Cabangcal, 48, na isang bulag na unti-unti nang nawawala ang diskriminasyon dahil halos kapantay na lamang ng mga PWDs ang mga normal na tao.

Ayon kina Milagros at Alex, kailangan na lamang nilang pagbutihin ang kanilang trabaho para sa kani-kanilang mga sarili at pamilya.

Ipinakikita rin nila na anuman ang kayang gawin ng isang normal na tao ay kaya ring gawin ng PWDs.

Maliban sa mga trabahong iniaalok, ang aktibidad din ay nakatakdang magsagawa ng mga skills at livelihood opportunity. Habang ang DOLE ay magsasagawa ng skills profiling sa mga lalahok, ang Department of Trade and Industry at ang Technical Education and Skills Development Authority naman ay magsasagawa ng livelihood and skills training para sa mga nagnanais lumahok sa aktibidad. Kasama rin sa naturang aktibidad ang Public Employment Service Office, ang National Council on Disability Affairs at ang city government ng Quezon City.

Lahat ng local go­vernment units sa Metro Manila ay inimbitahan din na lumahok sa job fair sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang mga napiling persons with disability mula sa kanilang mga komunidad.

vuukle comment

PERSONS WITH DISABILITIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with