^

Police Metro

Pulis, bayani sa Marawi siege

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pulis, bayani sa Marawi siege

MANILA, Philippines —  Sa pelikula man o teleserye, bida at bayani ang isang indibidwal na nagpakita ng hindi matatawarang katapangan. Katapangan na isuong ang buhay para sa ibang tao, isantabi ang pansariling kaligtasan upang magampanan lamang ang sinumpaang tungkulin nang buong puso at walang pag-aalinlangan.

 

Ito ay tugma sa kata­ngiang ipinamalas ng isa sa mga maituturing na ­bayani sa nangyaring Marawi siege noong nakaraang taon na si Police Chief Superintendent Rolando Barajan Anduyan, tubong Iligan City, at kasaluku­yang district director ng Northern Police District (NPD).

Mayo 23, 2017 nang pumutok ang pagsakop ng Maute Group, isang local terrorist group na nakipag-alyansa sa Abu Sayyaf Group at iba pang lawless elements sa Marawi City ay inatasan si Anduyan, na noo’y deputy regional director for operations ng PRO-ARMM na maging commander ng Joint Task Group (JTG) ng PNP contingent na nakipagbakbakan, kasama ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa limang buwang standoff.

Nagkamit ng 90 parangal at medalya mula sa Philippine National Police na kinabibila­ngan ng Magalong award noong Desyembre 18, 2017; Individual Award for Crisis Management in Marawi noong Agosto 9, 2017 sa ginanap na 116th Police Service Anniversary; 2 Gold Cross Award (gallantry in action award); Silver Cross Award; 2 Bronze Cross Award, 4 na Medalya ng Kadakilaan; 2 Military Merit Medal; Medalya ng kagalingan, 39 na Medalya ng kasanayan, 25 Medalya ng papuri, Medalya ng Pambihirang Paglilingkod ; 2 Medalya ng Pagtulong sa Nasalanta; Tsapa sa Natata­nging Unit; Medalya ng Paglilingkod sa Luzon; PNP Badge of Honor; at  Medalya ng Paglaban sa Manliligalig.

Dahil sa dedikasyon at kapansin-pansin na pagtalima sa trabaho sa hindi matatawarang kapasidad ay kinilala siya ng United States Drug Enforcement Agency sa pagkakatuklas ng pinakamalaking shabu laboratory noong taong 2003.

Ilang kidnapping victims ang nailigtas; nakarekober ng mahigit daang luxurious vehicle noong 1997; nalambat ang ilang kawatan sa serye ng insidente bank robbery, naresolba ang kontrobersiyal na mga pambobomba  sa SM Megamall at Glorietta Mall, LRT bombing at NAIA bombing.

Naitala rin ang may pusong serbisyo sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Idolo at patuloy na hinahangaan ng kanyang mga tauhan si Anduyan dahil sa mga spot promotion nito hanggang sa makamit ang ‘star’ sa balikat o one-star general ay bunga umano ng mga accomplishment nito.

Sa panayam sa mga naging tauhan, partikular ang PNP-Special Action Force Batch 1991, ay may ‘anting-anting’ umano itong taglay bukod pa sa rami ng pinagdaanang training na lalong nagpa­yabong ng kanyang kaalaman at pagiging bihasa sa pakikipag-engkuwentro.

“Yung bomba na bumagsak sa harapan niya , di pa rin natinag, di umurong...yan si sir (Anduyan), lahat ng laban niya puro successful, may anting-anting yata eh,” pahayag ng isa sa PNP-SAF Batch ‘91.

vuukle comment

MARAWI HEREOS

MARAWI SIEGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with