^

Police Metro

9 kelot todas sa lambanog

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang siyam katao habang ginagamot ang dalawang iba pa sa ospital matapos umanong malason sa ininom nilang lambanog sa magkahiwalay na pangyayari sa Sta. Rosa City at Calamba, Laguna.

Sa Brgy. Pooc, Sta. Rosa City, kinilala ang nasawi na sina Roy Basbas, 56; Gonzalo La Torre Jr., 50; Severino Callos, 65; at Herminio Caramay. Habang ginagamot sa pagamutan sina Antonio Jeremias, 70; at Robert Cruz, 48.

Batay sa ulat, pasado alas-5:00 ng hapon nang mag-inuman ang mga biktima sa biniling lambanog.

Ilang oras pa lamang ng mga itong naiinom ay nakaranas na ang mga ito ng matinding pananakit ng tiyan, panlalabo ng paningin, matinding pananakit ng ulo at pagsusuka.

Kaagad na isinugod sa iba’t ibang pagamutan sa lalawigan na kung saan sila nasawi.

Narekober sa lugar ang isang malaking plastic na bote na pinaglagyan ng lambanog na ininom ng mga biktima.

Sa Calamba City, Laguna ay lima ang namatay sa pag-inom ng lambanog na kapareho ang brand na nainom ng mga biktima sa Sta. Rosa noong Nobyembre 28 na kung saan ay nasawi kinabukasan si Jonathan Barceta na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, paninikip ng dibdib at lumabo ang paningin.

Habang nakaburol ay nag-inuman ang mga kumpare nito ng nasabing lambanog at dito ay magkakasunod na nasawi rin sina Jesus Ulanday; Roderick Martinez; Cornello Opulencia; at Nestor Mancay.

Sa pagsusuri ng FDA sa lambanog ay mataas ito sa methanol content na dahilan ng pagkalason ng mga biktima.

vuukle comment

ROY BASBAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with