^

Police Metro

Navy officer, nilikida

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang opisyal ng Philippine Navy matapos pagbabarilin ng isang sinasabing hitman ng mga rebeldeng New People’s Army habang pauwi ng kanyang tahanan sa Pio Duran, Albay, nitong Biyernes ng hapon.

 

Sa report ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Arnel Escobal, kinilala ang nasawing biktima na si Senior Chief Petty Officer Jesus Zaavedra, 55 taong gulang, at nakatalaga sa naval base sa lungsod ng Legaspi.

Sa ulat, dakong alas-4:10 ng hapon habang pauwi na ang biktima sa kanilang tahanan nang sunud-sunod na pagbabarilin ng suspek hanggang sa mapaslang sa isang lugar sa Brgy. Binodegahan sa bayang ito.

Nabatid naman kay Ensign Estela Jane Sasil, Spokesperson ng Naval Forces Southern Luzon, ang biktima ay nakatakda na sanang magretiro sa serbisyo sa susunod na taon.

Nabatid na bago ang insidente ay nakatanggap ng death threat ang biktima mula sa grupo ng NPA rebels.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with