^

Police Metro

75-K pasahero ng PNR nasa panganib

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa panganib umano ang buhay nang mahigit 75,000 pasahero ng Philippine National Railways (PNR) bunga ng umano’y mismanagement ng mga opisyales nito.

 

Kaya’t hinihiling ni Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa sa PNR (BKMP) president Edgar Bilayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sibakin ang General Manager ng PNR na si Junn Magno.

Nais din umano ng unyon ang pagpapatupad ng isang resolusyon ng PNR special investigating committee na nagrekomenda ng agarang pagpapasibak kay PNR chief corporate counsel Atty. Celeste Lauta makaraang hindi nito aksyunan ang kawalan ng diesel fuel ng mga bagon na siyang direktang dahilan ng pagkakadiskaril ng operasyon ng PNR.

Anila, simula noong Setyembre, halos usad-pagong ang mga bagon makaraang upuan ni GM Magno at Atty. Lauta ang panawagan ng mga empleyado na siguraduhin ang suplay ng diesel fuel gayundin ng pagsasagawa ng maintenance sa mga bagon.

Ayon kay Bilayon, ipinagkatiwala umano ni Magno kay Lauta ang halos lahat ng mahahalagang posisyon sa PNR, na siyang dahilan ng pagkakagulo sa ahensya.

Nagsampa ng administrative complaint sina Bilayon kasama ang bise presidente ng unyon na si Jose Antonio Laurena noong July 21, 2017 makaraang mapag-alaman nila ang suspensyon na iginawad kay Lauta ng kataas-taasang hukuman.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with