8 pusher, huli sa buy-bust
MANILA, Philippines — Swak sa selda ang walong sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga matapos masakote sa buy-bust operation ng mga otoridad sa Sitio Sampalucan, Brgy. Pasong Camachille 2, Gen. Trias City, Cavite, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Police Supt Paul Bometivo, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang pitong suspek na sina Victor Revano, nasa talaan ng drug watch list ng pulisya; Orlando Abac, Christopher Lagang, Jose Aspillaga, Christine Jaira, Stephen Percy, Ryan Lim at Najee Macadatu, pawang mga residente ng nasabing lugar.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon simulan ng Gen. Trias Police kasama ang PDEA ang buy-bust operation laban sa mga suspek.
Dalawang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipag-deal sa mga suspek at nang magpositibo ito ay dito dinakma ang mga ito na magkakasosyo umano sa pagtutulak ng shabu sa nasabing lugar.
Narekober dito ang may 14 na plastic sachet na naglalaman ng shabu at mga drug paraphernalias.
- Latest