^

Police Metro

Vitas Sports Complex pinasinayaan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa layuning mailapit ang mga kabataan sa mundo ng palakasan at mailayo sa masasamang bisyo lalo na ang paggamit ng ilegal na droga ay pinasinayaan kahapon ni Manila Mayor Joseph Estrada ang bagong Vitas Sports Center sa Tondo, Maynila.

 

Ang sports center na may apat na kongkretong palapag na matatagpuan sa Brgy. 98, Zone 8, District 1 ng Maynila ay nagkakahalaga ng mahigit P108 milyon.

Libreng magagamit ang mga pasilidad tulad ng da­lawang swimming pool, multi-purpose hall, gym, karate training room at zumba room.

Sinabi ni Estrada, sa pamamagitan ng mga itina­yong pasilidad ay mahahasa at maaari pang madiskubre ang kagalingan ng mga manlalaro sa larangan ng sports. 

Pagkatapos ng pasinaya ay sinaluhan ni Estrada ang mga dumalong mga barangay opisyal sa inihandang “boodle fight”.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with