^

Police Metro

Imelda pinayagang magpiyansa

Gemma Garcia - Pang-masa
Imelda pinayagang magpiyansa

MANILA, Philippines — Habang dinidinig ang apela sa kasong graft ay pinayagan ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating unang ginang at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na makapag piyansa.

 

Sa desisyon ng 5th Division ng Anti Graft Court sa Motion for Leave to Avail Post Conviction Remedies, pinagbabayad nila si Marcos ng P300,000 piyansa o doble ng kanyang kasalukuyang piyansa.

Habang binigyan naman si Marcos ng 15-araw para i-avail ang post conviction remedies sa ilalim ng Rules of Court.

Base sa desisyon ng anti-graft court nakasaad na pinapayagan ang isang akusado na mabigyan ng pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang apela o motion for reconsideration.

Si Marcos ay nahatulang guilty sa pitong bilang ng paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act dahil sa mga nilikha nitong Swiss Foundation noong siya ay gobernador pa ng Metro Manila.

vuukle comment

IMELDA MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with