5 college students positibo sa HIV
MANILA, Philippines — Nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) ang limang college students na blood donor.
Ito ang ibinulgar ni Davao City Aids Council (DCAC)-Philippine Red Cross Building Recruitment Officer Rizh Abellano sa ginanap na Ispeak media forum, kamakalawa.
Ang nasabing mga kaso ay naipaabot na sa Alliance Against Aids (Alagad) sa Mindanao para sa counseling at medication.
“One of the qualifications for blood donors is 18 and above so they are mostly college students already,” ayon kay Abellano.
Ayon pa kay Abellano na ang magdo-donate ng dugo ay hindi nangangahulugan na HIV testing kundi para makapagsalba rin ng buhay kaya lamang sinusuri ang dugo ng mga donors para malaman kung kontaminado ang kanilang mga dugo.
Ipinaliwanag naman ni Reproductive Health and Wellness Center (RHWC) head Jordana Ramiterre na hindi direktang nagbibigay ng resulta ang PRC dahil hindi sila otorisado na gawin ito at hindi naman din umano maaaring gawing testing center ang PRC.
Sa darating na 30th World Aids Day ay malalaman ng publiko ang resulta ng HIV infection sa mga nakatalagang centers at hindi sa pamamagitan ng blood donation sa ilalim ng PRC.
- Latest