^

Police Metro

Negosyante tepok sa suntok ng bodyguard ng Cavite meyor

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang isang 45-anyos na negosyante matapos itong suntukin ng bodyguard ni Imus City Mayor Manny Maliksi, naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite.
Ang biktima na nasawi matapos mauntog ang ulo nito sa semento ay kinila­lang si Dennis Saique.45, ng B-16, L-4, Soldier Hills 4, Brgy. Molino, Bacoor City, Cavite.

Agad din naaresto ang suspek na si Michael Canizares, 42, bukod sa pagiging bodyguard ay opisyal din ng homeowner association at residente ng  B13, L53 Summer Pointe Country Homes ng nasabing lugar.

Bago nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi ay romoronda ang suspek sa kanilang subdivision nang madaanan ang grupo ng biktima na pawang mga lasing na.

Sinita ng suspek ang grupo at pinagsabihan na magsiuwi dahil hatinggabi na at mga lasing.

Umalis na ang suspek nang dumating ang security guard ng subdivision at nadaanan ang grupo ng biktima at muling sinita at pinauwi.

Nagalit umano ang biktima at inakala na nagsumbong ang suspek sa nasabing guard kung kaya’t muli silang sinita.

Pinuntahan ng biktima ang suspek at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa napikon ang huli ay binigyan ng isang suntok ang una na natumba at tumama ang ulo sa semento at nawalan ng malay tao.

Itinakbo ang biktima sa ospital at namatay ito habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

DENNIS SAIQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with