^

Police Metro

3 bata nalunod sa ilog

Joy Cantos - Pang-masa
3 bata nalunod sa ilog
Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang magkatuwaang maligo sa Anilao River ang magpipinsan nang biglang lumakas ang agos at natangay ang mga biktima.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong bata kabilang ang isang magka­patid at pinsan nang malunod ang mga ito habang naliligo sa ilog ng Sitio Anilao, Brgy. Camansihan, Calapan City, Oriental Mindoro kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ronalyn Manalo, 12, kapatid nitong si Rainer Manalo, 10 at pinsan nilang si Jarenz de Castro, 7; pawang mga estudyante ng Caguisikan Elementary School at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang magkatuwaang maligo sa Anilao River ang magpipinsan nang biglang lumakas ang agos at natangay ang mga biktima.

Isa sa mga biktima ang unang nalunod na tinangkang sagipin ng dalawa pero pare-pareho silang tinangay ng malakas na agos.

Sa bilis ng pangyayari ay nabigo si Jaybee Ayon Manalo na sagipin ang kanyang kapatid at pinsan at ang insidente ay agad nitong inireport sa kanilang pamilya.

Patuloy pa ang isinasagawang search ­operations ng mga rescuer sa tatlong bata na hindi pa natatagpuan.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with