^

Police Metro

Walang ‘treason’ sa Philippines-China deal-Palasyo

Rudy Andal, Gemma Garcia - Pang-masa
Walang �treason� sa Philippines-China deal-Palasyo
Sinabi rin sa forum ng Association of Congressional Chief of Staff ni acting Chief Justice Antonio Carpio na walang paglabag sa MOU dahil sa hindi joint exploration ang nilagdaan ng Pilipinas.
File

Pahayag ni Joma, sinopla...

MANILA, Philippines — Kinontra kahapon ng Malacañang ang naging pahayag ni communist leader Jose Maria Sison na ang memorandum of understanding (MOU) sa oil at gas sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS) ay malinaw na pagtataksil sa ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang administrasyon.

“Maybe he has not read the agreement signed. It’s just an agreement to agree on certain things. There was no­thing there that would be a basis for any allegation of treason. Even the cri­tics say there’s nothing there,” wika ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Idinagdag pa ni ­Panelo, ang MOU ay isang framework pa lamang upang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa ukol sa oil and gas exploration.

Sinabi rin sa forum ng Association of Congressional Chief of Staff ni acting Chief Justice Antonio Carpio na walang paglabag sa MOU  dahil sa hindi joint exploration ang nilagdaan ng Pilipinas.

Paliwanag ni Carpio, ang joint exploration at exploitation ay paglabag sa Saligang Batas at kung papayagan ito ay mawawalan na ng full control ang gobyerno rito.

Ang isinusulong umano ng China ay joint exploration, subalit mahigpit umano itong tinutulan ni Carpio at dapat pa rin maging mapagbantay ang publiko dahil may posibilidad pa rin na ipursige ng China na isingit sa MOU ang Joint Exploration  and Development.

Nilinaw naman niya na sa ilalim ng nilagdaang MOU ay protektado ang bansa rito at kung naisin din ng China na maging service contractors ay pinapayagan naman ito sa ilalim ng batas.

vuukle comment

MEMORANDUM OF UNDERSTANDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with