^

Police Metro

4 Chinese na tsumap-chop sa kapwa Chinese, kinasuhan na

Lordeth Bonilla - Pang-masa
4 Chinese na tsumap-chop sa kapwa Chinese, kinasuhan na
Ang apat na Chinese nationals na suspek sa pagpatay at pagtsap-chop sa isang babaeng Chinese na ang putol na mga katawan ay inilagay sa apat na bag sa loob ng isang condo sa Makati City
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Makaraang maganap ang karumal-dumal na krimen, pormal nang sinampahan ng kasong Murder sa piskalya ang apat ng Chinese na suspek sa pagkatay sa kapwa nilang Chinese makaraang patayin sa saksak at tsap-chopin ang mga bahagi ng katawan nito bago isinilid sa apat na maleta naganap nitong Huwebes sa isang condominium sa Brgy. Bel-Air, sa Makati City.

Sa pahayag kahapon ng hepe ng Makati City Police na si Senior Supt. Rogelio Simon, inimpormahan na nila ang Chinese Embassy hinggil sa insidente at isinampa na nila ng alas-6:00 kamakalawa ng gabi ang kasong Murder sa tanggapan ni Makati City Prosecutor Assistant City Prosecutor Abner Balo laban sa mga suspek na sina Zhang Chuning, 22; itinuturong mastermind sa krimen; Zhang Chu Quan; Zhang Yi Xi at  Wang Xue.

Kung saan nitong Huwebes ng hapon matapos mag-inuman ay kinatay at pinagputol-putol ng mga suspek ang mga bahagi ng katawan ng 26-anyos na biktimang si Wang Yalei saka ito isinilid sa apat na bag at inabandona sa isang banyo sa The Lerato Residences Tower 1, Mabuhay St. sa nasabing lugar.

Love triangle ang sinasabing pinag-ugatan ng kalunus-lunos na krimen kung saan ang biktima at suspek na pawang mga tomboy ay magkaribal sa iisang babae.

 

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with