^

Police Metro

Curfew sa Maynila paiigtingin

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Curfew sa Maynila paiigtingin
Sa ilalim ng City Ordinance No. 8547 o Discipline Hour na ipinasa ng City Council at pinirmahan ni Estrada, mahigpit na ipinagbabawal ang pagalagala at pakalat kalat sa lansangan ng mga menor de edad o nasa edad 18 pababa.
File

MANILA, Philippines — Upang matuldukan ang mga nangyayaring riot ng mga kabataan tulad na nangyari kahapon sa kanto ng P. Paredes at S.H. Loyola sa Sampaloc ay inatasan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Police District at City Security Force na paigtingin ang implementasyon ng curfew ordinance laban sa mga kabataan.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 8547 o Discipline Hour na ipinasa ng City Council at pinirmahan ni Estrada, mahigpit na ipinagbabawal ang pagalagala at pakalat kalat sa lansangan ng mga menor de edad o nasa edad 18 pababa.

Ang mga menor de edad na lalabag ay ipapasok sa ‘intervention programs’ ng barangay o isasama sa ‘community service’ ng barangay o charitable non-government offices, pagmumultahin ng P2,000 o isang buwang pagkakakulong ang mga magulang na may anak na 15-17 taong gulang P3,000 o tatlong buwang pagkakakulong sa may mga anak na ang edad ay nasa 13-14 habang P5,000 naman o anim na buwang kulong sa magulang na may anak na nasa 12 taon  gulang pababa.

vuukle comment

CURFEW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with