^

Police Metro

70K Manilenyo pinautang ng P26-M puhunan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinautang na walang tubo ni Manila Mayor Joseph Estrada ang nasa 70,000 Manilenyo.

Umaabot sa  P26 mil­yong pondo ng lungsod ang naipautang sa mga vendors, mga small-scale business, mga nagtapos sa Manila Manpower Development Center, mga homeless at mga pansa­mantalang nakatira sa  Boys Town.

Mula P5,000 hanggang P15,000 ang karaniwang pinapautang sa mga gustong magnegosyo na buwanang binabayaran sa maliit na halaga at walang interest.

Tinukoy din ni Estrada ang isang Lydia Codinera mula sa Moriones na nagsimula sa P15,000 hanggang makautang ng P300,000 para sa kanilang kooperatiba na Kapwa.

Ani Estrada, maganda na ang takbo ng negosyo ng Kapwa na gumagawa ng mga liquid detergents, fabric conditioners at handwash.

Magandang halimbawa ang grupo ni Codinera dahil tumupad ito sa pagbabayad sa takdang oras kaya naibalik ang kanilang inutang at nagkaroon pa ng sariling training center sa Moriones.

Hinikayat ng Alkalde ang mga umuutang na pagsikapang palakihin ang kanilang inutang na puhunan para mas maengganyo ang lungsod na magpautang sa kanila sa tulong ng Capital Assistance ­Program ng lungsod.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with