^

Police Metro

Kawani ng Malacañang dinakip sa ‘sextortion’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagsak sa selda ang isang kawani ng Malacañang nang maaresto ng mga tauhan ng Malabon City Police sa isang entrapment operation matapos na bantaan nito ang dating nobya na kung hindi makikipagbalikan at makikipag-sex sa kanya ay ipoposte ang kanilang sex video sa social media.

Ang suspek ay kinila­ lang si Frankline Eldrige De Leon, 40, may-asawa, Presidential Staff Officer III, nakatira sa No. 561 A. Arvisu Street, Biwas, Tanza, Cavite.

Bago ito ay nagsampa ng reklamo ang 30-anyos na ginang na isa ring kawani ng pamahalaan laban sa suspek sa ginagawang pamba-blackmail umano nito para na nakikipagbalikan sa kanya.

Ngunit ayaw na ng biktima na makipagbalikan matapos makipagkalas sa kanilang tatlong buwan na relasyon dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Dito ay nagbanta ang suspek na ia-upload sa social media ang kanilang sex video kung hindi makiki­pagbalikan sa kaya’t napilitan ang biktima na maki­pagkita muli sa una.

Dito nagkasa ang Intelligence Branch at Follow-up Unit ng Malabon City Police ng entrapment ­operation at dakong alas-7:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek at kinumpiska ang kanyang cell phone na naglalaman ng sex video at hubad na larawan.

vuukle comment

SEXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with