^

Police Metro

Cavite drug bust: 4 utas

Cristina Timbang - Pang-masa
Cavite drug bust: 4 utas
Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang ikasa ng Naic police ang drug buy bust operation sa Brgy. Muzon laban kina Loyola na kilalang big time drug pusher at da­lawa nitong kasama na nag-ooperate sa bayan ng Naic, Maragondon at Ternate na umano ay lumaban sa mga pulis kaya’t napatay.
File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang apat katao kabilang ang isang barangay tanod sa magkahiwalay na drug operation sa Naic at Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Julius Loyola, dalawa nitong kasama na inaalam pa ang pangalan at barangay tanod na si Joey Pascua, ng Brgy.Burol Main, Dasmariñas City.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang ikasa ng Naic police ang drug buy bust operation sa Brgy. Muzon laban kina Loyola na kilalang big time drug pusher at da­lawa nitong kasama na nag-ooperate sa bayan ng Naic, Maragondon at Ternate na umano ay lumaban sa mga pulis kaya’t napatay.

Nasamsam sa mga suspek ang iba’t ibang klaseng baril at 10 transparent plastic sachet na shabu, drug paraphernalias at motorsiklo.

Napatay naman si Pascua nang manlaban sa isinagawang buy bust sa Brgy. Sampalok 4, ng nasabing lungsod. Habang nakatakas ang kasama nito na si alyas Marwin.

Narekober ng mga pulis ang isang baril na 9mm, mga bala, plastic sachet ng shabu.

Nabatid na ang mga suspek ang siyang supplier ng shabu sa jeepney terminal ng isang mall sa lungsod.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with