^

Police Metro

Mga kandidatong narco-pol kasuhan

Gemma Garcia - Pang-masa
Mga kandidatong narco-pol kasuhan
Sinabi ni Barbers, na dapat bago ilabas ang listahan ng narco politicians ay dapat muna silang kasuhan para magkaroon ng public record.
Boy Santos

Para magkaalaman na...

MANILA, Philippines — Hiniling ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers na sampahan agad ng kaso ang mga narco-politicians na tatakbo sa 2019 midtern elections.

Sinabi ni Barbers, na  dapat bago ilabas ang listahan ng narco politicians ay dapat muna silang kasuhan para magkaroon ng public record.

Dahil sa ganitong paraan ay magkakaroon ang mga botante ng kaalaman kung dapat nilang iboto ang mga ito dahil kung ipapagpaliban pa at tatapusin pa ang eleksyon ay marami pang mangyayaring pagmamaniobra at presumption of regularities.

Inihalimbawa nito ang naganap na barangay elections na maraming nasa narco list ang nanalo sa eleksyon.

Ito rin ang paraan para madedepensahan ng narco politicians ang kanilang sarili sa proper forum

Ang pahayag ni Barbers ay kasunod ng plano ni DILG Sec. Eduardo Año na ilabas ang bagong listahan ng mga narco-politicians na dawit sa iligal na droga.

Kaya’t pinayuhan ni Barbers ang DILG na gawin na ito ng maaga at may panahon pa upang maikampanya na hindi iboto sa 2019 midterm elections ang mga narco politicians.

vuukle comment

MIDTERN ELECTIONS

ROBERT ACE BARBERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with