^

Police Metro

3 wanted sa batas dakip

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang tatlong wanted sa batas dahil sa iba’t-ibang kaso matapos silang masakote ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakasunod na operasyon sa lungsod.

 

Kinilala ni QCPD Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga naaresto na sina Danilo Sena, 48, ng Brgy. Mangga; Joey Boy Comora, 24, ng Brgy. Bagong Pag-asa, at Ronald Allan Malbog, 25, ng Brgy. Tandang Sora, pawang nakatira sa Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa nang maaresto si Sena sa Police Clearance Section dahil sa kasong estafa matapos na mag-‘hit’ ang pangalan nito sa PNP E-Warrant System habang kumukuha ng police clearance at mabatid na may nakabinbin itong warrant of arrest dahil sa naturang kasong kinasasangkutan.

Samantala, naaresto naman ng Masambong Police Station (PS 2) si Comora, na No. 8 Most Wanted Person ng kanilang presinto, dakong alas-10:00 ng umaga kamakalawa sa Quezon City Jail, EDSA, Brgy. Kamuning, nang silbihan ng warrant of arrest dahil sa kasong robbery na may katapat na piyansang P100,000.

Ang Talipapa Police Station (PS 3) naman ang nakaaresto kay Malbog dakong alas- 4:10 ng hapon sa loob ng Blakes Restaurant sa SM North EDSA, Brgy. Bago Bantay dahil sa kasong indirect contempt.

Pawang nakapiit na ang mga suspek habang hinihintay pa ang commitment order na iisyu sa kanila ng hukuman.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with