^

Police Metro

Mag-asawa niratrat ng ‘tandem’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang isang mag-asawa na lulan ng kotse kamakalawa sa Valenzuela City.

Namatay noon din si Emiliano Matias Denilla, 57, Registry of Deeds-Title Examiner ng LRA Valenzuela City habang nilapatan ng lunas sa Meycauayan Doctor’s Hospital ang misis niyang si Teresita, 58, isa ring Registry of Dees Title Examiner sa Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat bago naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa labas ng gate ng bahay ng mag-asawa sa may No. 212 Hulo Street, sa Barangay Bignay ay sakay ang mga ito ng kanilang itim na Isuzu Sportivo.

Kalalabas lamang nila sa gate nang dumating ang dalawang salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang mag-asawa saka mabilis na tumakas tungo sa direksyon ng Deparo, Caloocan.

Pangunahing inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa kanilang trabaho bilang title examiners ang krimen.

vuukle comment

EMILIANO MATIAS DENILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with