^

Police Metro

Abogado ng human rights group, tinodas

Joy Cantos - Pang-masa
Abogado ng human rights group, tinodas
Sa report ng Kaban­kalan City Police, bago nangyari ang krimen bandang alas-10:30 ng gabi ay nagsisigarilyo ang biktima sa harapan ng plaza sa Rojas St., Brgy. 5, Kabankalan City nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek.
National Union of Peoples' Lawyers/Facebook

MANILA, Philippines — Isang abogado ng human rights group ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Brgy. 5, Kabankalan City , Negros Occidental.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Atty. Benjamin Tarug Ramos Jr., 56, nagtatag ng National Union of People’s Lawyers,(NUPL) residente ng Brgy. Biniculi, Kabankalan City.

Sa report ng Kaban­kalan City Police, bago nangyari ang krimen bandang alas-10:30 ng gabi ay nagsisigarilyo ang biktima sa harapan ng plaza sa Rojas St., Brgy. 5, Kabankalan City nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek.

Ang biktima ay binansagang tagapagtanggol ng mga manggagawa at nagtatag ng Panghihiusa Development Group, isang organisasyon ng mga magsasaka.

Tumatayo rin itong abogado sa mga political prisoners kabilang ang binansagang Mabinay 6 o ang anim na kabataang umano’y mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  kabilang ang isang UP student na naaresto sa Mabinay, Negros Oriental noong Marso ng taong ito.

Abogado rin ito ng mga magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental kaugnay ng naganap na massacre sa siyam na magsasaka sa lungsod nitong Oktubre ng taong ito.

vuukle comment

HUMAN RIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with