^

Police Metro

200 pulis Quezon City sinuspinde,10 sinibak

Mer Layson - Pang-masa
200 pulis Quezon City sinuspinde,10 sinibak
Ayon kay QCPD Dir.P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., mayroon pa silang isinasailalim sa “disiplinary action” at masusing imbestigasyon dahil sa pagiging bulakbol sa trabaho.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinuspinde ang 200 tauhan ng Quezon City Police District habang 10 ang sinibak dahil sa pagiging Absent Without Official Leave (AWOL) sa trabaho.

May ranggong PO1 at PO2 ang karamihan sa mga nasuspinde at nasibak dahil sa madalas na hindi pagpasok sa kani-kanilang trabaho nang walang paalam.

Ayon kay QCPD Dir.P/Chief Supt. Joselito  Esquivel Jr., mayroon pa silang isinasailalim sa “disiplinary action” at masusing imbestigasyon dahil sa pagiging bulakbol sa trabaho.

Isa sa nakikitang dahilan ni Esquivel na madalas na pagliban sa trabaho ng ilan niyang tauhan ay ang maliit na “take home pay” at dami ng kanilang pinagkakautangan.

Kaya’t magpapatupad ang liderato ng QCPD ng polisiya na tuwing magsasagawa ng inspection ay dapat dala ng mga pulis ang kani-kanilang ATM card dahil na rin sa ilang impormasyon na isinasanla ito.

Patuloy ang ginagawang “internal clensing” at masusing minominitor sa bawat galaw ng mga pulis-QC upang maiwasan ang pagpatong, pagpasok sa ilegal na aktibidad, pagbebenta ng kaso at pagre-cycle ng nasasabat na droga.

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with