^

Police Metro

Pulis na hindi nagbayad sa kinaing puto sa pwd, pinaghahanap

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaghahanap ng Northern Police District (NPD) ang isang pulis na sinasabing kumain at halos umubos sa panindang puto ng isang tindero na may kapansanan at hindi nagbayad makaraang mag-viral na sa Facebook ang post ukol dito.

Sa post ni FB user ­Jhezsa Dyanne Cahvintoy nitong Nobyembre 3, sinabi niya na muntik atakihin sa puso ng tinderong si Crisanto Francisco, 41, nang hindi magbayad ang pulis na lumantak sa kanyang mga panindang puto sa may Sta. Quiteria, Caloocan City.

Ang paglalako lamang umano ng puto ang ikinabubuhay ni Francisco at pantustos sa kanyang gamot.

Umabot na sa 100,000 reaksyon, 95,000 shares at 47,000 komento ang tinanggap sa mga netizen ng naturang post dahilan para makarating na rin ito sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) at kay NPD Director, Chief Supt. Greg Lim na ipinag-utos ang paghahanap kay Crisanto na hindi pala residente ng Sta. Quiteria hanggang sa matukoy siya sa Maligaya Street sa Sauyo, Quezon City.

Dito isinalaysay ni Francisco kay Police Sr. Insp. Jeraldson Rivera na isang pulis nga ang kumain at hindi nagbayad ng P200 halaga ng paninda niyang puto sa may Appleville, Riverside, Barangay-162, Sta. Quiteria, Caloocan City noong Nobyembre 3.

Ngunit hindi na umano niya maalala ang hitsura ng naturang pulis habang nang pakitaan ng patch ng Caloocan City Police, itinanggi niya na ganito ang napansin niya sa uniporme ng pulis na nanggantso sa kanya.

Ipinatawag rin ni Rivera ang lahat ng kanyang tauhan sa Police Community Precinct 7 at tinanong ukol sa naturang insidente ngunit wala umanong umamin sa kanila na may kinalaman sa bintang.

vuukle comment

FACEBOOK POST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with