^

Police Metro

Parak dedo sa ambush

Rhoderick Beñez - Pang-masa
Parak dedo sa ambush
Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-10:00 ng umaga ay sakay ang biktima ng habal-habal na minamaneho ni Aniñon patungo sa Sinsuat Avenue.
File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on- arrival ang isang pulis habang kritikal ang kondis­yon ng isang habal-habal driver matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo naganap kahapon ng umaga sa Ilang-Ilang St., Barangay Rosary Heights Cotabato City.  

Ang nasawing pulis ay kinilalang si SPO3 Rechel Mercader Libosada, 43, may-asawa, ng Brgy. Cabpangi, Libungan, North Cotabato, at nakatalaga sa Shariff Aguak PNP-Station.  

Ang nasugatang habal-habal driver ay kinilala namang si Gerry Acopio Aniñon, 40, ng Purok Jasmin, Brgy. Rosary Heights 6 ng syudad.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-10:00 ng umaga ay sakay ang biktima ng habal-habal na  minamaneho ni Aniñon patungo sa Sinsuat Avenue.

Pagdating sa bahagi ng Ilang-Ilang St., Mother Barangay Rosary Heights ay sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at agad na sila ay pagbabarilin gamit ang 45 pistol.  

Ang pulis ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib habang si Aniñon naman ay nagtamo ng apat na mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

vuukle comment

RECHEL MERCADER LIBOSADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with