Sen. Honasan magpapaalam na sa senado
MANILA, Philippines — Magpapaalam na sa Senado si Sen. Gringo Honasan sa susunod na buwan para pamunuan ang Department of Information and Communication Technology (DICT).
Ito ang ibinunyag kahapon ni Senate President Vicente Sotto III at kapag naupo na si Honasan bilang ad interim DICT secretary sa Disyembre ay puwede pa rin itong magtrabaho bilang mambabatas habang pending pa ang kanyang confirmation sa Commission on Appointments (CA).
Ang DICT ay kasalukuyang pinamumunuan ni Acting secretary Eliseo Rio Jr..matapos mag resign si DICT Secretary Rodolfo Salalima noong September 21, 2017.
- Latest