^

Police Metro

Jeep nawalan ng preno: 2 todas, 36 sugatan

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang 36 ang nasugatan matapos mawalan ng preno ang sinasakyan nilang jeep sa bahagi ng Zone 3, Brgy. Guisao, Zamboanga City, kamakalawa.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Hamir Dela Cruz Delgado, 30, ng Brgy. Lansones ng lungsod at Elvis Delos Reyes, 38.

Batay sa ulat, alas-7:00 ng umaga nitong Sabado ay binabaybay ng pampasaherong jeep na may plakang JVC 534 na minamaneho ni Dessy Jon Enriquez ang ruta  mula  Barangay Lanzones patungo ng siyudad nang mawalan ng preno ang sasakyan na tuluyang dumausdos sa mababang parte ng kalsada at bumaliktad ang jeep na kung saan ay nasawi sina Delgado at Reyes habang ang 36 iba pang pasahero na nasugatan ay dinala sa ospital.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with