^

Police Metro

Paslit kinatay, baliw todas sa taumbayan

Jorge Hallare - Pang-masa
Paslit kinatay, baliw todas sa taumbayan
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay sinumpong ng pagkabaliw ang suspek na bigla itong nagwala at kumuha ng itak bago pinasok ang bahay ng biktima na kasalukuyang naglalaro.
File

MANILA, Philippines — Mistulang hayop na pinatay ng isang baliw na lalaki ang isang 3-anyos na batang lalaki na pinasok nito sa bahay at pagtatagain kamakalawa ng hapon sa Brgy.San Antonio, Iriga City, Camarines Sur.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tinamong taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si John Andrew Albano.

Namatay din ang suspek na si Hansel Namoro, 30, matapos mabasag ang bungo nito nang siya ay pagbabatuhin ng taumbayan dahil sa ginawa nitong krimen.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay sinumpong ng pagkabaliw ang suspek na bigla itong nagwala at kumuha ng itak bago pinasok ang bahay ng biktima na kasalukuyang naglalaro.

Nilapitan ng suspek ang paslit at walang habas na pinagtataga hanggang sa ito ay mapatay.

Nang lumabas ng bahay ang suspek ay nasalubong naman ito nang rumespondeng mga kapitbahay at pinagbabato ang suspek sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan hanggang sa ito ay mamatay.

Malaki ang hinala ng pulisya na sinumpong ng sakit sa pag-iisip ang suspek kaya’t nagawa nito ang karumal-dumal na krimen.

vuukle comment

JOHN ANDREW ALBANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with