^

Police Metro

Presyo ng petrolyo muling nagrolbak

Danilo Garcia - Pang-masa
Presyo ng petrolyo muling nagrolbak
Dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang pangunahan ng Phoenix Petroleum ang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa pagtapyas ng P1.10 sa kada litro ng gasolina at P1 sa kada litro ng diesel.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Sa ikaapat na pagkakataon ay muling nagrolbak ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang produkto simula kahapon.

Dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang pangunahan ng Phoenix Petroleum ang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa pagtapyas ng P1.10 sa kada litro ng gasolina at P1 sa kada litro ng diesel.

Ngayong Lunes ng umaga, magbababa rin sa presyo ng kanilang produkto ng P1.10 sa gasolina at P1 sa diesel ng Petro Gazz, SeaOil at Eastern Petroleum.  Magbababa rin ang SeaOil ng P.65 sa kada litro ng kanilang kerosene.

Bukas ng alas-6:00 ng umaga ay sabay-sabay na magbababa rin ng kanilang presyo ang Caltex, PTT Philippines at Pilipinas Shell.

Magkakahalintulad na P1 sa kada litro ng gasolina, P.90 sa diesel at P.65 sa kada litro ng kerosene ang tatapyasin ng natu­rang mga kumpanya.

Ang pagbaba sa presyo ng inaangkat nilang produktong petrolyo sa internasyunal na merkado ang dahilan nang pagrolbak ng mga kumpanya.

vuukle comment

LANGIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with