^

Police Metro

3 ‘tulak’ tumba sa buy-bust

Joy Cantos, Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang tatlong sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga matapos pumalag sa mga otoridad sa isinagawang drug-bust operation sa hiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes ng gabi at mada­ling araw ng Sabado.

 

Dead-on-the-spot ang dalawang suspek na ang isa ay kinilalang si Arnold Alcaraz, alyas ‘Iyot’ habang ang isa ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan nang kumasa ang mga ito sa inilatag na operasyon nitong Biyernes dakong alas-11:35 ng gabi sa Brgy. Lawang Pare, San Jose Del Monte City.

Sa ulat ng pulisya, habang isinasagawa ng poseur buyer na pulis ang transaksyon kay ‘Iyot’ sa bahay nito na nagsisilbing drug den ay nakatunog na may kasamahan na armado ang suspek sa loob ng bahay kaya’t pasimple itong humingi ng backup.

Nang papalapit na ang backup team sa bahay ng suspek ay agad silang sinalubong ng mga putok ng baril kung kaya’t agad na gumanti na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.

Samantala dakong alas-1:30 naman ng madaling araw noong sabado ay isa pang operasyon ang isinagawa ng pulisya sa isang bahay sa St. Michael Subd., Brgy. Pandayan, Meycauayan City na nagresulta ng pagkasawi ng suspek na si Joseph Paul Jemin, alyas ‘Empoy’ matapos umanong manlaban din habang tinatangkang arestuhin ng lokal na drug enforcement unit.

Narekober sa naturang magkasunod na operasyon ang dalawang cal. 38 revolver, isang improvised shotgun, 12 pakete ng shabu, iba’t-ibang mga drug paraphernalias, at dalawang P500 buy-bust money.

vuukle comment

ILLEGAL DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with