^

Police Metro

Holdaper kumasa sa mga pulis, utas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang notoryus na hol­daper na nagpapanggap na pedicab driver ang nasawi nang makipagbarilan sa mga aarestong pulis kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

 

Patuloy pang inaalam ng Caloocan City Police ang tunay na pagkaka­kilanlan ng suspek na alyas “Waray”, na nasa pagitan ng edad 30-40. 

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout ay sumakay ang isang James Lucero, 37, ng Brgy. Tugatog sa pedicab ng suspek dakong alas-12:15 ng madaling araw.

Nang makarating sa Salmon Street, Brgy. 8, Caloocan ay nagdeklara na ng holdap at tinangay ng suspek ang pera at cellular phone ng biktima at pinababa.

Tiyempo naman na napadaan ang mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na nagsasagawa ng “Oplan Pagtugis, Salikop at Olea” sa lugar na hiningan ng tulong ng biktima.

Hinabol ng mga pulis ang suspek na sa halip na sumuko ay pinaputukan umano ang mga una na gumanti ng putok at napatay ang suspek.

Nabawi sa suspek ang mga gamit ni Lucero at ang baril na ginamit nito at apat na maliit na plastic sachet ng shabu at isa pang pakete ng marijuana.

vuukle comment

HOLDAP

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with