^

Police Metro

Drug pusher dedo sa buy bust

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga MPD-Station 11 ang isang drug pusher nang manlaban umano sa buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Binondo, Maynila.

Ang suspek na nasawi ay kinilala sa alyas na “Michael Bato”, tinatayang nasa 25-35 anyos, nasa 5’4”-5’6” ang taas, slim, may mga tattoo na “maricel” sa kanang braso at “Buboy” at “Sputnik” sa likod.

Sa ulat, bago nangyari ang engkuwentro dakong ala-1:15 ng madaling araw ay bumili ng P500 halaga ng shabu ang poseur bu­yer na si PO2 Mark John Manguera at kasamang sibilyan nang makahalata ang suspek na pulis ito.

Agad na bumunot ng baril ang suspek na tinangkang agawin ni PO2 Manguera hanggang sa nagbuno sila at pumutok ang baril na maswerteng hindi tinamaan ang huli.

Umangkas sa nakaabang na motorsiklo ang suspek at minaneho ng kasama at pinagbabaril ang mga humahabol na pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis at nasapol ang suspek na naitakbo pa sa ospital, subalit namatay din ito.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 9 MM na kargado ng mga bala at 19 na sachet ng shabu.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with