^

Police Metro

Utol dinedbol ng kuya

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 23-anyos na binata nang siya ay saksakin at mapatay ng kanyang nakakatandang kapatid matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si John Paul Albaran, cons­truction worker, ng #17 Pinya St., Block 40, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills.Agad din naaresto ang kapatid nitong si Jonathan Albaran, 25.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng umaga noong Lunes ay nag-iinuman ang magkapatid kasama ang ilang kaibigan dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Sa kasagsagan ng kanilang inuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa suntukan, hanggang sa makadampot ng kutsilyo ang suspek at tinarakan sa dibdib ang biktima.

vuukle comment

JOHN PAUL ALBARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with