^

Police Metro

2 supporters ng kandidatong governor, itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ang dalawang masugid na supporter ng isang reelectionist na gobernador sa lalawigan ng Albay, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rodel Pilot at Roland Lasara; pawang mga supporters ni Governor Jocelyn Bernos na tumatakbo muli sa posisyon.

Si Bernos ay muling tumatakbo sa ikalawang termino sa ilalim ng Hugpong Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte na makakatunggali si Dolores Mayor Ro­bert Guzman Seares Jr., sa ilalim naman ng PDP Laban.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-9:15 ng umaga sa highway ng Brgy. Kimmabala, Dolores ay kasalukuyang lulan ang mga biktima ng motorsiklo nang harangin at paulanan ng bala ng mga armadong suspek.

Kapwa namatay noon din ang dalawang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng shotgun at M156 rifles.

Una nang sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na ang lalawigan ng Abra at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay kanilang irerekomendang isailalim sa hotspots.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitika ang pamamaslang sa mga biktima.

vuukle comment

PINAGBABARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with