^

Police Metro

Oral sex sa PNPA, sumingaw

Joy Cantos - Pang-masa
Oral sex sa PNPA, sumingaw
Ayon naman kay PNPA Dir. C/Supt. Joseph Adnol na naghain ng reklamo ang dalawang underclassmen dahil sa pinuwersa umano silang mag-perform ng oral sex bilang kaparusahan sa nagawa ng mga itong pagkakamali sa utos ng isang upperclassmen na nagpa-blow job habang dalawa pa ang nanonood lamang at walang ginawa.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Isa na namang kontrobersiya ang yumanig sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite dahil sa napaulat na pagpapa-oral sex umano ng isang junior cadet sa dalawang plebo bilang parusa.

Agad naman itong pinaiimbestigahan ni PNP Chief Director General ­Oscar Albayalde at hinihintay ang opisyal na report hinggil sa insidente na nangyari noong Oktubre 6 ng taong ito pero noong Oktubre 21 (Linggo) lamang ng hapon sumingaw matapos na magreklamo ang mga biktimang plebo.

Inatasan na ni ­Alba­yalde ang PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na imbestigahan ang nasabing kalaswaan at parusahan at sampahan ng kasong administratibo at kriminal ang mapapatunayang may sala.

Ayon naman kay PNPA Dir. C/Supt. Joseph Adnol na naghain ng reklamo ang dalawang underclassmen dahil sa pinuwersa umano silang mag-perform ng oral sex bilang kaparusahan sa nagawa ng mga itong pagkakamali sa utos ng isang upperclassmen na nagpa-blow job habang dalawa pa ang nanonood lamang at walang ginawa.

Tiniyak pa ni PNP Chief na kapag napatunayang nagkasala ang tatlong upperclassmen ay kaniyang sisiguraduhin na masisibak ang mga ito sa akademya.

Aminado si Albayalde na may natatanggap na siyang alingasngas hinggil sa mga napabalitang panghahalay sa mga plebo kung saan bago pa man ang insidente ay sinibak na niya ang mga pulis na nakatalaga sa PNPA na may dalawang taon na sa serbisyo dito kasama ang mga senior officers.

Magugunita na noong Marso ng taong ito ay una nang niyanig ng kontro­bersya ang PNPA matapos ang graduation ceremony matapos na bugbugin ng mga junior classmen na nakasuot pa ng bonnet at may hawak na matitigas na bagay ang anim na mga bagong gradweyt.

Related video:

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with