Kandidatong board member, apo itinumba
MANILA, Philippines — Kapwa hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang kumakandidato sa pagka-Board Member sa ikalawang distrito sa lalawigan ng Maguindanao at apo nito matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa palengke ng Kabacan, North Cotabato, kamakalawa.
Ang nasawi ay kinilalang sina Susan Baldestamon Montawal, misis ng dating bise alkalde ng Montawal, Maguindanao at ang apo nito na si Datu Harris Montawal.
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay katatapos lang mamili ang maglola sa palengke at pasakay na sana sa kanilang sasakyan na van nang pagbabarilin ng mga suspek.
Mabilis isinugod ang mga biktima sa Kabacan Medical Specialist, pero kapwa hindi na umabot ng buhay.
Nabatid na si Susan ay kandidato ng Nacionalista Party sa pagka-board member sa ikalawang distrito ng Maguindanao.
Isa na rito ang anggulong sinisilip ng pulisya at isinasantabi ang kaugnayan sa pulitika.
- Latest